ang aking talumpati
TALUMPATI SA EDUKASYON
Ano nga ba ang edukasyon sa ating buhay? Tunay nga bang mahalaga ito sa atin?
Ang edukasyon nga ay napakahalaga sa ating lahat,
Sa akin, sa iba’t ibang indibidwal at higit sa lahat sa ating mga magulang
Ito’y isang hakbang sa ating pagasenso hindi lang sa ating antas sa buhay pati na rin sa ating kinabukasan
Sadya ngang ang edukasyon ay hindi mo maipapalit sa ibang mga bagay dyan sa tabi-tabi o sa mga bagay na iyong nais
Bawat indibidwal ay may sari-sariling gusto sa buhay, ibat-ibang kurso ang kinukuha
May mga doctor, abogado, titser at marami pang iba.
May mga nakakapagtapos sa magagandang paaralan at ang iba’y sa maliit lamang
Pero bakit ganun kung sino pa ang nakakapagtapos, yun pa ang walang trabaho at kung sino pa ang hinde pa nakakapag-aral yun pa ang may trabaho?
Sadyang ngang mapaglaro ang mga pangyayari
Laging sinasabi ng ating mga magulang na ang edukasyon ay yaman sa ating kinabukasan pero may mga batang hindi nakakapag-aral?
Tunay nga bang may mga mayayaman lang at may mahihirap lamang?
Ito ba ang isa sa mga hadlang kung bakit yung iba ay hinde nakakapag-aral? O sadyang tamad lang?
May mga kasing edad ko ang nakikita kong nakakapag-aral kahit sila ay mahirap
Nagtatrabaho para lang makapagtapos naghihirap pero sa bangdang huli sila pa ang nakakakuha ng mataas na grado
May mga mayayaman dyan na halos maganda ang eskwelahan hindi masyadong maganda ang nakukuhang grado
Ang edukasyon ay hinde kung saan-saan lang nakukuha ito’y kailangan mong paghirapan
Ito’y sumasalim sa ating mga pagkatao
Gaya nga ng aking layunin sa buhay, kaya ako nag-aaral ay para makatulong sa aking mga magulang, huwag nating itapon o sayangin lamang kagaya sa isang kasabihan na ang talino ay huwag sayangin kundi ito’y pagyamanin pang mabuti
Kung titignan nating mabuti lahat naman tayo ay pwedeng magaral
Hindi ito pinagbabawal ng ninumang kundi ito’y bigyang importansya.
Kagaya ng sinabi nila Caine & Caine :The desire to know is far more important than achievement and/or performance measures. Pati na rin ang sabi ni Bob ong “Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”








